Bubu Wit’s Registered & Protected Web Page
http://bubuwitter.blogspot.com/-
All Rights Reserved
-
Fri Oct 09 05:21:31 UTC 2009
-
bubuwitter
-
My Registered & Protected Copyright: http://bubuwitter.blogspot.com/
-
* bubuwit's adventures and misadventures with her life's cheeses, cat chases, and mouse traps ang "a little bird told me..." ay ingles ng "ayon sa aking bubuwit..." kung paanong naging bubuwit ang ibon, paki-Google na lang Keep Reading Thursday, October 8, 2009 "piping tom" Ini-squeak noong 6:15 PM ni bubuwit | 0 comments bilang writer, isa sa maraming perks na ini-enjoy ko ay ang mag-trabaho nang nasa bahay lang. ang ibang pribilehiyo, kagaya ng hindi pag-gising nang napakaaga para 'wag abutan ng trapik, ang pag-coffee break nang lampas 15 minuto, ang panonood ng TV para piliting may mapigang ideya sa utak, at ang pag-trabaho nang hindi kinakailangang mag-make-up (safety tip: 'wag ugaliing mag-apply ng eyeliner sa loob ng tumatakbong sasakyan. nakabubulag.) at pilit na ipagsiksikan ang sarili sa pantyhose (swerte ka kung makalampas ka ng 8 o'clock na byahe sa MRT tuwing umaga nang hindi ito nagra-run), ay nakakabit lahat sa benepisyo na hindi nire-require umalis ng bahay para kumita--kaya, ay, oo nga, iisa lang pala ang perk ko sa trabaho.dahil tapos na ang mahabang intro na wala namang kinalaman sa pinupunto ng blog ko, dederecho na ako sa pag-kwento...may ginagawang apartment sa kalye namin. hindi naman sa tapat ng bahay namin, pero dahil upper-middle class ako (beh! 'di nga!), mataas ang balkonahe namin at tanaw na tanaw ang ginagawang apartment mula rito. dahil mas mayaman ang may-ari ng apartment, mas mataas pa ito kesa sa bahay namin, kaya dinig na dinig ang bawat tunog mula doon.tuwing hapon (pati umaga kapag weekend), nakagawian na naming magkakapatid ang mag-kape at mag-merienda doon sa balkonahe ng bahay. siempre, the usual... usap-usap, plano-plano, laitan-pikunan... pero laging may nakaka-distract na--HEEEH! EH-EH-EH! A?! minsan, hindi na nakatiis ang ate ko. iritable niyang sinabi, "hu! ano ba 'yan? ang ingay-ingay naman nung pipi!" (2-second interval) 1, one thousand, 2... waahahaha! hagalpakan kami ng tawa.pipi. maingay.pipi kasi yung isang karpintero, pero siya na yata ang pinakamaingay na karpinterong narinig--pipi man o bulag. pero teka muna, ang sabi ng intelektwal kong nakababatang kapatid (yung inutangan ko at pinaghatid pa ng pera nung na-max out ang credit card ko at na-hold ako sa megamall), "ang pipi naman hindi lang makapagsalita. hindi ibig sabihin na wala siyang boses at kapasidad para gumawa ng tunog." oo nga naman. amen.parang sa parehong paraan na ang katahimikan ay hindi nangangahulugang may kapayapaan. sa diksyunaryo, ang ibig sabihin ng "katahimikan" ay "kawalang-kibo" at kawalang-ingay," samantalang ang "kapayapaan" naman ay "kapanatagan," "kahinahunan," at "katiwasayan." kung halimbawang galit na galit ka at sinabihan kang, "huminahon ka," iba ang magiging dating noon kesa sa sabihan kang, "tumahimik ka." kung kagaya kita, malamang kakalma ka dun sa una at magwawala ka naman dun sa huli. (at kung ako at ikaw ay iisang tao lang, sasampalin mo ang nagsabi nun sa 'yo sabay bob-and-weave.) magkaiba ang kahulugan nila, ngunit dahil likas na assuming ang tao, madalas inaakala nating nagkasingkahulugan ang katahimikan at kapayapaan.kapag nagtampo ka at nagsabing hindi mo na kakausapin kahit kelan (ever, as in, swear, pramis!) ang isang dating kaibigan na naka-offend sa 'yo--malamang dahil huli ka niyang binalitaan ng kung-anuman-yon o masyado niyang ibinalita--magiging tahimik ka. walang ingay. pero, wala ring totoong panatag o matiwasay. lumiliit ang mundo mo. nawawalan ng space. dumadami ang limits. parang isang piping may sound effects pero walang konek. Basahin ang karugtong... | Links to this post | Wednesday, September 30, 2009 ang philosopher na nagngangalang robin padilla Ini-squeak noong 7:56 AM ni bubuwit | 0 comments dahil siguro sa nagngangalit na panahon kaya ko naisip na matagal-tagal na rin buhat noong huli akong naging masaya. 'yung masayang-masaya na tipong kahit makasalubong ko pa ang mga dati kong nakatampuhan--nang magkakasama--ay mayayakap ko sila isa-isa at sasabihang "ikaw at ako, tayong dalawa... maging sino ka man." o di kaya'y dahil siguro sa sobrang pagkakape kaya ko naitanong sa sarili kung totoo bang may kakayahan akong magsulat. parang isang sabog na manuscript na walang katema-tema ang laman ng isip ko. naghabulan na parang mga bubuwit sa lungga ng utak ko ang mga papuri mula sa mga taong kakilala, kilala, at di kilala; ang alaala ng mga napanalunang literary competitions (at higit sa lahat ang cash prize); ang unang beses na nabasa ko ang sariling pangalan sa dyaryo--na hindi school paper at lalong hindi bilang biktima o suspek sa anumang krimen; at ang kauna-unahang tseke na natanggap ko sa pagkakabenta ng isang kwento. yehey! haay. aya, may kilig na naman na nananalaytay sa ugat ko--kagaya nang kadalasa'y sa pagbabawas o pag-jingle na lang natin nararanasan. sarap!ayon kay malcom gladwell sa librong outliers, ang requirements ng tagumpay ay ang pinagsamang pwersa ng talento, 10,000 na oras na ginugol sa paghahasa dito, at higit sa lahat, oportunidad. (magandang libro. may kamahalan nga lang kung hard-bound ang madampot mo, lalo na kung isa kang bubuwit) pero kung tutuusin, kung ilalagay ito sa konteksto nating mga pinoy na "willing to work long hours," ang summary nito ay nasabi na rin ni robin padilla: "dahil ang bawat pilipino, kailangan lang ng break." aba, biruin mong napaluha ako sa komersyal na 'to. na-depress nga yata ako.***nitong nakaraang ondoy, naging abala ang inyong bubuwit sa paghahakot sa lungga, hindi dahil binaha ito kundi para magdala ng anumang kapakipakinabang na "keso" sa mga nangangailangan. pinalad ako at nasa malayong lungga na ako ngayon, kaya hindi ko na ulit naranasan ang lupit ng bagyo sa maynila. mga ilang taon na ang nakalipas simula noong ma-stranded ako ng ilang oras sa isang talyer na ilang dipa na lang ang layo sa apartment na inuupahan ko. panahon ni milenyo 'yun. mantakin mong himala akong nakahanap AT NAISAKAY ng taxi sa shaw blvd habang kasagsagan ng bagyo ( masipag kasi akong empleyado noon at pilit na binubuno ang sariling quota na 10,000 hours ni gladwell kaya pumasok ako ng opisina dahil hindi nag-declare na walang pasok *hingal* sa opisina *siempre, saan pa*pero ang totoo, ayoko lang mabawasan ng leave credits)--tapos, kung lean abot-dura na lang sa apartment ay saka naman bumigay ang taxing sinasakyan ko. ayun, talaga ngang abot-dura dahil noong napansin kong hindi na huhupa ang hangin at ulan ay pinilit kong sinalubong ito... at ang baha.dahil hindi naman ako waterproof, walang natirang tuyo sa akin--pati eyeballs ko, pinasok ng tubig ulan (salamat at hindi tubig-baha). pikit-mata na lamang akong naglakad pauwi, habang pilit na wag isipin ang mga bagay-bagay--buhay at patay--na paminsan-minsan ay kumakalabit sa sakong ko. hindi ko alam kung bakit pero walang pasubaling sinimulan kong bigkasin ang psalm 23: "The LORD is my shepherd, i shall not be in want. he makes me lie down in green pastures, he leads me beside quiet waters, he restores my soul. he guides me in paths of righteousness for his name's sake. Even though I walk through the valley of the shadow of death *nagsimula akong mag-rap* i take a look at my life and realize there's nothing left." hind... maling linya ito! KABRAAAAAM! nagsipaglabasan sa kani-kanilang mga lungga ang mga kapitbahay. lumanding na parang eroplano ng PAL sa harapan ko ang isang malaking piraso ng bubong ng bahay na biglang nag-mistulang garden ng gateway mall. swerte daw ako, kasi hindi ako tinamaan. pinaypayan lang nito--mag-isip ka ng isang matalas at higanteng abaniko. imagine!--ang binti ko. swerte nga ba ako o ang sinumang espiritung taimtim na nag-rap ng psalm 23 kahit hindi nya memoryado ang talagang pinalad?higit kaninuman, ako ay makakapagsabing higit na mas nakakatakot ang bagyo sa totoong buhay kesa sa tv. kaya saludo ako sa lahat ng rescue workers at volunteers na may ringside seat tuwing may bagyo o kalamidad--ondoy o anuman ang darating pa. tuwing ganitong pagkakataon, hindi ko maiwasang magbuhat ng sariling bangko at magbigay-pugay sa tatag ng pinoy. kasehodang magkanda-leche-leche at mapag-initan pa kapag mabagal ang pag-usad ng rescue operation--hindi dahil makukupad ang rescue workers natin kundi dahil sa kakulangan ng kagamitan at pasilidad. hmm. gusto ko tuloy kwentahin kung ilang rubber boats ba ang halaga ng isang serving ng caviar sa le cirque? ah basta, nakaka-bilib tayong mga pinoy. sana lang, patuloy tayong magpakitang-gilas sa ating mga sarili lalo na sa susunod na eleksyon. ika nga ulit ng sandamakmak na robin,"wag kang aayaw! think positive!" Basahin ang karugtong... | Links to this post | Tuesday, September 22, 2009 dahil sa ghost ni patrick swayze Ini-squeak noong 7:58 PM ni bubuwit | 0 comments mahigit isang linggo na ang nakaraan nang opisyal na ngang naging ghost si patrick swayze. gaya ng dati ay busy-busyhan ako noon sa paggawa ng lungga ng mas mayayamang bubuwit (daga 'yung mahirap), kaya ngayon lang ulit ako nakauwi sa sariling lungga para magmuni-muni. tuloy, nagsipagbisita ang iba pang mga multo.nakakalungkot isipin na habang buhay ka, walang gaanong nakakaisip sa 'yo. maliban na lang siguro sa nanay, tatay, at mga kapatid mo, pati na rin ang mga alaga mong aso na inaabangan ang dala mong tira (o doggie bag, para sosyal) galing restoran. kung meron mang makakaalala, 'yon ay ang mga taong inutangan mo na hindi mo pa nababayaran. o di kaya 'yong kaklase mong hiniraman mo ng libro na hindi mo isinoli (na hiniram n'ya lang sa library kaya naging delinquent ang records n'ya dahil sa 'yo). kung naging sikat ka, maaalala ka sa anumang bagay na ikinasikat mo.kung tungkol sa pagkamatay ni patrick swayze ang inaasahan mong mabasa, maling site ang napuntahan mo. Dito, ang mababasa mo ay mga pagmumuni-muni ko tungkol sa pagkakakilanlan at alaala ng mga tao at bagay na madali nating makalimutan.***ang sabi ni pareng bob, sinabi ni tito jim na "you will know who i am when you forget my name" sa kanyang blog na humming in my universe. oo nga, malalaman mo ang totoong halaga mo sa iba o ang pagkakakilala nila sa 'yo kapag hindi na nila maalala kung ano ang pangalan mo. parang kagaya ng usapan namin ng ate ko minsan:ako: uy, alam mo, nasa abroad na pala si charlotte.ate: aaah... 'yan ba 'yung kaklase mong kumakain ng sariling kulangot?ako: hindi 'yon. si margot 'yon.ate: ay ganon, basta ang pagkakatanda ko kasi katunog din ng "kulangot" ang pangalan n'ya eh.kung sabagay, may point ang ate ko. may tawag nito sa psychology eh... ano nga ba 'yon? dahil wala na akong panahon para magbuklat ng makapal kong psych textbook, pagkasunduan nating memory by association ang tawag doon. parang noong minsang nagkitakita kami ng mga dating kaklase sa haiskul:ako: sino nga ulit 'yung titser na nagsabi na "history is life itself"?kaklase 1: ano ba 'yan, review???ako:'yung cool waters ang perfume? kaklase 2: aahhh, si mrs. juan 'yon! (to kaklase 1) hindi mo ba siya naaalala?kaklase 1: ay oo nga! 'yung makapal mag-eyeliner!kadalasan talaga iba tayong makaalala. sa mga estudyante, makakalimutan ang lesson, pero hindi kung anong nakakatawa sa titser. kagabi nga lang eh, naglaro kami ng charades ng kapatid ko... category: mga titser sa haiskul. laugh trip!!! sa mga empleyado naman, makalimutan na ang agenda sa meeting o deadline ng report, pero hindi kung ano ang nangyari sa paboritong teleserye sa eksaktong araw... noong nakaraang dalawang linggo!employee 1: naku, rush na raw ito. sinabi na raw kasi dati sa meeting. kelan nga ulit ang deadline?employee 2: hmm... ay! parang 2 wednesdays ago yata 'yon, kasi ang alam ko aampunin pa lang noon ni mayor enrique si santino. sa friday na ang deadline n'yan, kasi naalala ko na kasabay siyang matatapos ng tayong dalawa eh.kaya ako noong college, nag-rereview ako sa harap ng TV. kaya tuwing exam, ganito ako mag-isip: alam ko 'to eh. bago ito mag-commercial ng ABC learning center... tama, "training and development" and sagot! yes! visual learning ba ang tawag nito sa educ? ito din kasi ang paraan ng pagtuturo sa mga foreign language schools.Example:spanish-caballo/english-male horsecaballo = (litrato ng "cab" o taxi) + (litrato ng "eye" o mata) + letter "O"***kaya mas masarap maging bubuwit minsan. walang pressure kung maalala at makilala ka man nila o hindi.noong september 14, 2009, ang sumagi sa isip ko ng mabanggit ang pangalang patrick swayze ay ito--isang multong nagsasayaw ng dirty dancing.***"When nothing else subsists from the past, after the people are dead, after the things are broken and scattered-- the smell and taste of things remain poised a long time, like souls--bearing resiliently, on tiny and almost impalpable drops of their essence, the immense edifice of memory"-Marcel Proust, "The Remembrance of Things Past" Basahin ang karugtong... | Links to this post | Friday, September 11, 2009 blog-lagan Ini-squeak noong 2:42 AM ni bubuwit | 0 comments kamakailan lang, isang kliyente ang nagbigay sa akin ng proyekto para gumawa ng "blog critique." sa palagay ko, wala ni isa mang blogger--gaano man siya kahusay sa pagsusulat o sa pag-design ng website--ang may karapatan para husgahan ang blog ng ibang blogger. blog niya 'yon... at ito ang kaniyang sariling "public personal space." may karapatan ka bang husgahan ang nilalaman ng isang diary?grade 2 ako nang regaluhan ako ng mama ko ng diary. ang unang entry doon ay nagsasabing, "dear diary, i woke up late today." ilang dekada ang nakalipas, ganun pa rin ang laman ng diary ko. ito na rin siguro ang dahilan kung bakit iniwan ko ang paligsahan sa pag-akyat sa matarik na corporate ladder, pero balik tayo sa panghuhusga...ano ba ang sukatan ng isang magandang blog? disenyo ba? nilalaman ba? ito ba ay ang pagkakaroon ng mga interesanteng widgets? istilo ba ng pagsusulat? maliban na lamang kung bibigyan ka ng listahan ng criteria ng isang mahusay na blog, wala ka sa posisyon para humusga.dahil trabaho ito, ginawa ko siya. pero napa-isip ako: ano nga ba ang isang kritiko? hindi ba trabaho ng isang kritiko ang mag-hanap ng pagkakamali? kabawasan ba sa pagkatao ng isang kritiko ang hindi makahanap ng anumang pagkakamali? minsan, inaakala nating ang pagpuna sa gawain ng iba ay nag-papakitang mas mabuti tayo. may nangangamoy ratatouille (specifically, may tunog ni anton ego). ang pagkakaiba nga lang, bubuwit ako, hindi daga. Basahin ang karugtong... | Links to this post | Tuesday, September 8, 2009 ano ang meron sa taba . . . Ini-squeak noong 3:11 AM ni bubuwit | 1 comments . . . na doble ng presyo ng regular na iced tea ang variant na may L-carnitine?. . . na mas naging katanggap-tanggap sa tao si juday nang mabawasan siya nito?. . . na may halaga--at may ibang kahulugan--lalo na para sa isang babae, kung ang sasabihin mo sa kaniya ay "tumaba ka"kesa sa "mataba ka"? (hint: mas magandang reaksyon ang matatanggap mo sa nauna). . . na mas polite nang itanong kung magkano ang kinikita mo kesa sa kung ano ang waistline o timbang mo?. . . na mas lalong polite ka kapag hindi ka na nagsalita kapag nagkita kayo finally ng isang kaibigan (na matagal mo nang hindi nakikita) kesa sa sumambulat sa bibig mo ang, "bruha! kumusta ka na?! ang taba mo na ah!" . . . na ma-o-offend ka kapag may nag-offer sa 'yo ng seat sa MRT (kasi alam mong napagkamalan ka lang niyang buntis)?. . . na kung asar ka sa isang babae, pakiramdam mo mas nakakaganti ka kapag naiisip mong, "eh ano ngayon kung siya ang na-promote? mas mataba naman siya! hmp!"?sa totoo lang, hindi ko alam. kaya nga mag-ja-jogging pa rin ako kasehodang mag-liyab ang buo kong katawan sa paulit-ulit na pagkikiskisan ng mga hita ko. napansin ko kasi kaninang umaga na nanikip ang pantalon ko at mukhang tinubuan ako ng mga kurbada sa lahat ng maling lugar. ako? isang diyosa? tumataba? blasphemous! 'yan ang napala ko sa pagkakatawang-tao. samantala, ituturing ko munang four-letter word ang salitang "t*ba." Basahin ang karugtong... | Links to this post | Older Posts * Twitter Squeak! MGA PABORITONG KAPIT-LUNGGA blog ng paborito kong TITSER i-storya ang pinakapoging blogger sa BLOGOSPHERE at iba pang BLOGS NG PINOY USAP TAYO, bubuwit sa bubuwit View shoutbox PSST, PUSA... MAGING PUSA (SUNDAN ANG BUBUWIT) NAKISILIP SA LUNGGA Feedjit Live Blog Stats Feedjit Live Blog Stats Subaybayan ang mga "squeaks" ni bubuwit Derecho sa inbox mo MISMO! Sponsors Isang pagpupugay sa mga sikat na bubuwit - 1236c824b4a2e307b8394e80080c7c1f8b5a950dff6865ca3d719e8922dba81e
-
(What's this?)
WEF2U-4TUMR-UFB9P

