Sobrang kulet ng nangyari kanina sa akin sa MRT.
Kapag may mga newspaper na pinamimigay ng libre sa MRT, kumukuha ako agad dahil una, libre yun, at pangalawa I just like to read the showbiz section. For me the only news that interests me is the entertainment section. Well noon medyo natutuwa ako sa mga national news, pero sa ngayon nagbabasa na lang ako ng mga ganoon if I find them interesting. Pero kadalasan doon ako sa entertainment section. I like it when the writers give their opinions about the issues in the local showbiz, tapos nag-aaway-away sila na parang mga walang pinag-aralan. For me nakaka-enjoy basahin yung mga ganoon.
Anyway, ngayong araw wala yung namimigay ng dyaryo dun sa MRT station. Naghintay-hintay pa muna ako baka sakaling napaaga lang ako. Pero nung dumating na yung train, wala na akong nagawa kung hindi sumakay na lang. Nakatayo ako noon at sa harap ko, may isang babae na nagbabasa nung free na newspaper na hinihintay kong ipamigay dun sa sinakyan kong station. Apparently may namimigay na nang newspaper na noon sa naunang station at hindi pa nakakarating sa station na sinakyan ko. So habang nagbabasa siya, nakikibasa ako since entertainment section yung binabasa niya. Kaso baliktad yung position ko so hindi ko talaga mababasa yun unless itilt ko yung ulo ko which would make me look weird. Noong dumating na yung train sa Buendia station kung saan ako bababa, nakita ko na bababa na rin yung ale na nagbabasa nung dyaryo. At nilagay niya yung dyaryo dun sa may siwang sa sandalan nung upuan sa loob ng train. Nung bumukas na yung pinto, naglean muna ako para makuha yung newspaper doon sa siwang. Kaso sa hindi ko maintindihang pagkakataon, lumulubog yung dyaryo habang sinusungkit ko. Pinilit kong sungkitin pa, at nagmamadali na ako dahil baka magsara na yung pinto. Kaso tuluyan nang lumubog yung dyaryo sa likod nung sandalan, so lumabas na lang ako na asar na asar. Hiyang hiya pa ako na bumubulong na “sayang hindi ko nakuha”.
Hindi ko naisip na pede naman akong sa Ayala na lang bumaba. Kaso, tingin ko hindi ko rin makukuha yung dyaryo, at mapoprolong lang yung kahihiyan ko if ever.