As an FX passenger for so many years now (exag), medyo kilala ko na yung mga baliw at siraulong pasahero. Yung mga sobrang laki na kahit dalawa na yung nao-occupy niyang seat e isa pa rin ang babayaran, yung mga sumisimple na naninilip sa text messages nung katabi, or naninilip ng “iba pang bagay”. There’s also one time na pag sasakay ka sa isang Toyota Hiace na van, pauupuin ka sa dulong dulo ng mga kapwa mo pasahero, when it turns out na mauuna ka pang bababa sa kanila.
This type of passengers really pisses me off. Kaya minsan hindi ko napigilan ang sarili ko na sabihin sa kanila “sana po kayo na lang yung umupo sa dulo. Hindi pa naman pala kayo bababa”. Hindi na lang sila kikibo, at lilipat na lang ng upuan. E ayun buti sila lumipat talaga sa harap para walang obstacle sa daraanan ko. Yung iba walang pakialam. Igigilid lang nila yung katawan nila, thinking na may magandang maidudulot yun.
Last night, naka-encounter na naman ako ng ganoong tao. Pero ibang variation naman.
Toyota Hiace din yung sasakyan namin, at sa pinakalikod, merong upuan na pang tatluhan lang. Pero this one’s unique: nakahiwalay yung isang upuan sa dalawa, so merong parang aisle na dadaanan ng pasahero. It happened na yung dalawang nakahiwalay na lang ang bakante. Merong isang medyo malaking babae sa harapan ko na parang ayaw pang sumakay, kasi mas mauuna pa daw siyang bababa at ayaw niya daw sa dulung-dulo (Hindi ko alam kung bakit yung mga pasahero e gusto na palaging malapit sa pinto. Hindi naman tatakbo yung pinto!). Pero siguro naconvince na rin siya nung driver, so sumakay na siya sa dalawahan. Ako doon na rin ako sasakay, kasi wala nang choice, and besides, malayo-layo pa ang bababaan ko. Tapos nung pasakay na ako, parang gusto nung malaking babae e sa dulo ako uupo. As in iginilid niya yung sarili niya, moving her whole body to the aisle para makasakay ako. Sa laki niyang yun (sorry, no offense), how did she expect that would work?? Nabuwisit ako, so sinabi ko sa kanya “ay, sana po hindi muna kayo sumakay”. Ang point ko is, since pumayag ka nang umupo sa dulo, lubus-lubusin mo na. Doon ka na sa dulo. Hindi yung papahirapan mo pa kaming makaupo. Ngayon kung ayaw mo talaga sa dulo, panindigan mo. Wag kang sumakay at maghintay ka na me uupo sa dulo. After noon bumaba muna uli ako, kasi kung gusto talaga niya na sa bungad lang siya, e di bumaba siya at mauuna akong umupo doon. Pero nung pagkababa ko, nagdecide na rin siya na umusod at paupuin ako sa bungad where she likes to be seated. So sumakay uli ako. Nung paupo na ako, I heard her saying “hindi ka rin bastos, ano?”. Hindi ko na pinatulan. I just put my earphones on and listened to radio instead.
Nung pababa na, she tried to push me so that she could have her revenge, pero inunahan ko na siya. Bumaba na agad ako to give way to her.
I know na hindi siya worth pag-aksayahan ng inis, pero I don’t have any regrets about saying that. But still, I’m not proud of it.