Mahilig akong magkolek ng bag. At mas trip ko kung maibibigay sa akin ng libre!
Tulad na lang nitong berdeng picnic bag na bigay sa akin ng aking biyenang babae. Natuwa ako sa kulay at desenyo nito, di ba medyo “funky?” Hindi pa namin nagamit ito, malamang pagsapit ng tag-araw kung pwede na kaming magbilad sa ilalim ng puno sa isang parke. Mga ilang buwan pa ang aming hihintayin; maaraw ngayon ngunit napakalamig pa rin.
Ang bag namang ito ay bigay sa akin ng aking mister. Sapagkat siya ay isang kartonista/animator, madalas siyang maabutan sa pinagtatrabahuhan niyang produksiyon. Hindi pa rin gamit ito; mga dalawang taon na sigurong nakaistambay sa tukador, alanganin ko kasing gamitin e (obvious ba?). Sayang at wala akong anak na babae… Tingin ko, naghihintay lang ito na maipamigay ulit he he.
At siempre, galing din ito kay mister.
Pero buti eto at may pakinabang!
Lalagyan siya ng aking mga materyales sa pagni knitting, panggantsilyo, at pagco-cross stitch at iba pang needlecraft, na aking hobby maliban sa pag ba blog.
Yun lang po, hanggang sa muling pagkikita kits
Posted in Litratong Pinoy